Miyerkules, Enero 25, 2012

Hapoy Daw Wahig
(Earth, Fire, Water)

Si Gaia, ang diyosa ng daigdig, ang simula ng buhay, ay ang simula sa lahat ng simula.

Nakiusap si Indarapatra sa kanyang kapatid na si Sulayman na sagipin ang Mindanao mula sa pagkawasak nito. Bumuo ang mga tao ng malaking balsa dahil sa pag-aakala na may darating na malaking baha. Nang bumaba ang mga malahiganting alimango sa daigdig, ay umulan ng ubod ng laas at gaya ng inaasahan nila, umulan ng pagkalakas-lakas na nag sanhi ng malaking baha. Nilagyan ni Indarapatra ng isang malaking katas ang bintana at kahoy upang malaman niya kung nagtagumpay ba o hindi si Sulayman. Si Sulayman ay pumunta sa bundok at nakipag laban sa mga sumpa at mga halihaw. Nilabanan niya ang mga halimaw sa sila Kurita (buwaya), Tarabusaw at Pah (ibon). Sa kasunod nalabanan, ang pakpak ni Pah ay malubhang nasugatan at hindi sinasadyang nahulog kai Sulayman, na siya naming ikinamatay nito. 

Nang ang kahaoy ay nalanta, nalaman kaagad ni Indarapatra na ang kanyang kapatid ay namatay na, ito’y hindi nagtagumpay sa  kanyang misyon. Namimighati man, nilisan ni Indarapatra ang kanyang kinatatayuan upang ipagpatuloy ang nasimulang misayon ng kanyang namayapang kapatid na si Sulayman. 

Siya ay nakipag-digma sa natitirang halimaw na isang malaking ibon na may pitong ulo.

Sa kasawiang palad, sa gitna ng kanilang digmaan, si Indarapatra at ang ibong nakabakbak ay pareho’ng namatay, kaya dinala ng mga tao ang kanilang mga labi sa malayo’ng kaligiran. 
Ganoon pa man, ang mga mandirigma’ng Maguindanaoan ay nagpatuloy sa pakikipag giyera laban kay Agyu at ang kanyang kumunidad matapos kay Kuyasu, ang kanyang lalaking pamangkin na pumatay sa Sultan na humihingi ng mabibigat na buwis. Kasama ni Agyu ang kanyang ina’ng si Undayag na matanda na para makipag sabayan sa digmaan. Dahil sa pagod sa paglalakbay, natumba si Undayag. Pero nang Makita siya ng mabuting dyos na si Mungan, siya’y sinagip nito. Sa kahrian ng mga dyos, namigay ng mga “betel nuts” sa kanyang mga tauhan na siya’ng nagbigay sa kanila ng pambihirang kapangyarihan. ***

Kamangha-mangha, kahanga-hanga, kagulat-gulat, at kung anu-ano pa’ng mga nakaka-paninding balahibo’g salita ang mailalarawan ko tungkol sa palabas na inalay ng IPAG.
Ang Hapoy daw Wahig ang pinaka-unang palabas ng IPAG na nasaksihan ko. Tama nga sila, kalakip ng kadalubhasaan ni Propesor Steven Patrick C. Fernandez, ang IPAG ay nagtatanghal ng mga pinaka magaganda at kahanga-hanga’ng palabas. Isinasalamin ng dula ang kagalingan ng buong grupo, kagaya ng pagpapakita nito kung gaano sila inalagaan at hinubog ng kadalubhasaan ni Propesor Fernandez. Mula sa mga aktor hanggang sa mga production at artistic staff, walang hindi magaling. 

Bilang isang simple’ng manonood, wala ako’ng iba’ng bukambibig kundi “paghanga”. Dahil ito sa katotohanang hindi lahat nga tao ay nabibiyayan ng ganoong talento ng kagaya ng lahat ng miyembero ng IPAG. 
Sa kabilang banda naman, kahit masasabi ko na “near to perfection” na ang pagtatanghal ng grupo, mayroon din namang mga maliliit na aberya na napansin ko. Inasahan ko na magsisimula ang pagtatanghal sa oras na naka eskedyul. Pero ang nangyari ay nagkaroon ng malaking “delay”. Kaya, imbes na mag sisimula nang 7:30, mga bandang 8:30 na nagsimula. Ganoon pa man may mga bagay talaga ng nangyayari ng hindi inaahasan. Nakasalalay nalang yan sa paraan ng pag lilibang o pag-iistema sa mga nag-hihintay na manood ng sa ganuon ay hindi naman mabagot ang mga ito. Bukod sa pagka-antala sa oras, sa tingin ko, masyado’ng malaki lamang ang lugar (himnasyu) na ginamit. Siguro mas maliit na lugar (kaysa sa himnasyu) ang ginamit dahil ang nangyari, hindi naukupahan ang buong lugar. Siguro din, nagkulang ng kaunti ang grupo sa pagpapaalala sa mga tagapanood sa mga “dapat at hindi dapat” na gawin sa kalagitnaan ng pagtatanghal. Ang nangyari kasi, kabi-kabilang “flash” ng kamera at mga nakaka-inis na malalakas na sigaw ang parang nagtatangka’ng sumira sa kataimtiman at karingalan ng dula. 

Gayunman, sa kabuuan ng pagtatanghal, masasabi ko’ng napakagaling. Talaga namang napanganga at napahanga ako sa kanila (binigyan nila ng hustisya ang binayaran naming pagkamahal-mahal). Nagpapasalamat ako sa IPAG sa pagdadala ng pagtatanghal na iyon sa ating paaralan. Alam ko’ng “award winning” at “world class” ang lahat ng kanilang ginagawang pagtatanghal. Ang gabi’ng iyon ng pagtatanghal ay isang napakalaking oportunidad para sa mga manonood, dahil hindi lahat ng paaralan at institusyon ay nabibigyan ng pagkakatao’ng makakita at makasaksi ng pagkahusay-husay na dula’ng kagaya noon.
“Indeed, Integrated Performing Arts Guild (IPAG) made me proud of being a Mindanaoan, of being an IITian.”